Cash Management

Padaliin ang pag-manage ng business transactions sa tulong ng aming cash management solutions.

Over-the-Counter Real Time Collection
Gawing mas secure at madali ang collection ng sales at customer payments. Paano? Mag-assign ng reference number sa inyong customer at pabayarin sila over the counter sa kahit saang BDONB branch. Merong collection reports na makukuha para makita ang mga payments na pumasok sa inyong deposit account.  

Auto Debit Arrangement (ADA)
Mas mabilis at efficient ang transactions, dahil pwedeng mag-batch transfer ng funds galing sa mga enrolled customers, diretso sa inyong account.
 
Deposit Pickup
Hindi na kailangang pumunta sa branch para ideposito ang daily collection. Ang aming branch personnel ang mismong kukuha ng inyong cash/check deposit from your location on agreed schedules. Tipid sa oras at mas safe pa para sa inyo!

Post-dated Check Warehousing
May services din kami para sa safekeeping ng inyong post-dated checks at automatic ang crediting nito sa inyong account pag dating ng maturity date. Madaling i-check ang status at inventory ng mga tseke at hassle-free ang reconciliation.
 
Account Sweeping
Madaling ma-manage ang fund flow ng inyong accounts, with scheduled transfers galing sa inyong secondary account papunta sa inyong primary account.
 
Collection Services for POS Merchants
Convenient ang settlement ng sales na binayaran through POS terminals, galing sa inyong POS provider papunta sa inyong BDO Network Bank account.

Payroll Service
Gawing simple ang disbursement ng suweldo, commissions, or bonuses ng inyong employees gamit ang aming payroll service through online payout to employee’s BDONB ATM Debit Card.
 
Auto Credit Arrangement
Mas mabilis ang proseso ng payment disbursement sa mga suppliers o partners, at loan proceeds para sa inyong mga customers, papunta sa kanilang BDO Network Bank account, gamit ang electronic payout services.  
 
Interbank Payment Service
Convenient din ang pag-transfer ng funds sa inyong suppliers at partners na may account sa ibang bangko gamit ang interbank payment service ng BDO Network Bank. Pwede ding tumanggap ng funds galing sa ibang bangko para pambayad sa mga suppliers or partners na may BDO Network Bank account.
 
Collection Services for POS Merchants
Convenient ang settlement ng sales na binayaran through POS terminals, galing sa inyong POS provider papunta sa inyong BDO Network Bank account.

Contact us

home-icon

BDO Network Bank Head Office:

Km. 9, Sasa, Davao City, Davao Del Sur, Philippines

phone-icon

BDO Network Bank Customer Service

Hotline: (+63) 82 233-7777
Mobile: (+63919) 058-5000 (accepts calls only)

Bilang rural bank subsidiary ng BDO Unibank Inc., ang BDO Network Bank (BDONB) ay naniniwala sa kakayahang umasenso ng bawat miyembro ng komunidad sa Pilipinas. Patuloy ang BDONB sa paglilingkod sa mga komunidad na nangangailangan ng banking access. Naghahatid ito ng mga produktong pinansiyal na akma sa mga pangangailangan ng mga nasabing komunidad tulad ng loans, deposits, cash management, remittance, at bills payment services.

Mahalaga sa BDONB na dumami pa ang matulungang maiangat ang kabuhayan at mapabuti ang kinabukasan. Prayoridad ng BDONB na bigyang buhay ang financial inclusion sa bansa, sa paniniwalang ito ay susi sa pag-unlad ng pangkalahatan.

BDO Network Bank is regulated by the Bangko Sentral ng Pilipinas. https://www.bsp.gov.ph

For concerns, please reach us through any of the channels listed in the BDO Network Bank Consumer Assistance page.