Todo ang suporta ng BDO Unibank sa financial inclusion o ang programang pinangungunahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas na naglalayong ilapit ang konsepto ng pagbabangko sa mga Pilipinong naninirahan sa mga lugar na malayo sa syudad.
Sama-sama tayo! Malaking tulong ang MSME o Kabuhayan loan ng BDO Network Bank sa pamilyang Saig upang makapag-shift sa paggawa ng washable face masks ngayon pandemya.
Hanggang ngayon kasi, 65% hanggang 70% ng mga tinatawag na “adult Filipinos” ang wala pang bank account at nananatili sa konserbatibong pamamaraan ng pag-iipon o di kaya’y umuutang sa mga informal lenders tulad ng 5/6.
Unti-unti, sa tulong ng BDO at ng iba pang mga financial institutions, nagiging mulat na ang mga indibidwal pati na rin ang mga maliliit na negosyante sa mga benepisyong hatid ng pagbabangko para sa ikauunlad ng kanilang buhay at hanapbuhay.
May pag-asa sa gitna ng pandemya
Maraming negosyo ng mga Pinoy ang naaapektuhan ng pandemya. Kung isa ka sa mga ito, maaaring humanap ng solusyon sa pamamagitan ng MSME Loan ng BDO Network Bank na puwedeng pandagdag kapital ng iyong negosyo. Sa ngayon, ang qualified mag-loan ay ang mga MSMEs na at least 3 years ng may negosyo at kumikita ng minimum P15,000 kada linggo. Ang BDO Network Bank ay ang rural bank subsidiary ng BDO Unibank.
Para sa negosyanteng sina Josephine Saig at ang kanyang asawa mula Davao City, nakakatulong sa kanila ang MSME loan ng BDONB para mapagpatuloy ang kanilang negosyo. Mula sa pagtatahi ng mga basketball jerseys, nag-focus sila sa pag gawa at pag bebenta ng washable face masks. Dahil sa MSME loan, nagkaroon sila ng pondo para maka-shift sa paggawa ng produktong napapanahon at napaunlad nila ang kanilang tailoring business.
Bukod sa mga maliit na negosyo, ang MSME Loan ay sumusuporta rin sa mga negosyong naitayo ng mga kaanak ng mga kababayang Overseas Filipinos.
“Alam namin na marami sa ating mga kababayang OFs ang sumusuporta sa mga negosyo ng kanilang mga mahal sa buhay. Handa kaming tumulong sa mga negosyo na katulad nito para hindi maging mabigat sa ating mga kababayan abroad ang pag po-pondo nang negosyo ng mga kamag-anak nila,” ani BDONB senior vice president and MSME group head Karen L. Cua.
Kasama sa pag-unlad
Layunin ng BDONB na alalayan ang mga MSMEs hindi lang sa pag unlad ng kanilang negosyo, kungdi pati na rin ang personal nilang pag asenso. Ang initial deposit na P100 ang kailangan para magbukas ng savings account sa BDONB. Kung ang pondo ay umabot na ng P500 kada buwan, simula na itong kikita ng interest.
Para malaman ang iba pang impormasyon kung paano mag-apply ng MSME Loan, mag-send lamang ng Private Message sa BDONB Facebook page, bumisita sa BDONB website, o pumunta sa pinakamalapit na BDONB branch.