Kabayan EMV Updates

 

Kabayan! Tandaan ang mga sumusunod para sa EMV migration ng Kabayan Savings Debit Card:

 

OFW AY NASA PILIPINAS:

Pumunta sa kahit saang BDO Branch sa Pilipinas para sa inyong bagong EMV card! Free of charge!

  1. Instant mong makukuha ang EMV card replacement kung ito ay generic, ibig sabihin ang card ay walang pangalan.
  2. Pwede ka din mag request ng personalized card, maaari itong makuha sa loob ng 3 araw kung sa Metro Manila at 7 araw sa probinsya. Libre rin ito!

OFW AY NASA ABROAD:
Kung ikaw ay nasa abroad, maaari mo rin ipakuha ang iyong EMV card sa inyong AUTHORIZED REPRESENTATIVE. Tandaan lang ang mga sumusunod:

  1. I-download, i-fill-out, at pirmahan ang Letter of Authority: (Link for LOA)
  2. Ipadala ang original/scanned copy nito, kasama ang photocopy ng inyong valid ID (issued by the Philippine Government) sa inyong authorized representative sa Pilipinas. Kinakailangan din na magdala at ipakita ng inyong authorized representative ang kanyang isang (1) original valid ID.
  3. Kung ang iyong Kabayan Savings ay nabuksan sa mga sumusunod the BDO Branches (i-click ang link para sa listahan), maaaring ibigay ng inyong authorized representative ang mga documents sa kahit saang BDO branch para makuha ang iyong generic EMV Chip card.
  4. Kung hindi man sa mga nabanggit na BDO branches nabuksan ang iyong Kabayan Savings, kailangan dalhin ng inyong authorized representative ang mga nabanggit na documents sa inyong branch of account lamang.
  5. Dahil ito ay via authorized representative, may karagdagang proseso bago makuha ang EMV chip card, kaya kailangan niyang bumalik sa branch. Kung ang request ay generic card (walang pangalan), maari itong makuha kaagad ng authorized representative pagbalik niya sa branch. Kung ang inyong request naman ay personalized card (may pangalan), ito ay makukuha sa loob ng 3 araw kung sa Metro Manila at 7 araw sa probinsiya, kasabay ng pagbalik  ng iyong authorized representative sa branch. Libre ito!
     
Frequently Asked Questions:
  1. Kung hindi ko mapapalitan ang non-EMV ATM Card ng March 31, magsasara ba ang account ko?
    Dahil may kasamang passbook ang iyong account, ito ay mananatiling active kahit na ang ATM card mo ay non-EMV at na-deactivate.
    Pwede ka pa rin magpadala ng pera, access online banking, at magwithdraw gamit ang passbook ngunit ang iyong non-EMV card ay hindi na pwedeng gamitin sa pagwithdraw sa ATM, online purchases at pagswipe sa merchant.

     
  2. Libre pa rin ba ang pagkuha ng EMV Card kahit lumampas ng March 31?
    Maaari mo pa rin mapapalit ang iyong non-EMV Kabayan Savings ATM Card to EMV ATM Card ng libre kahit lumampas na ang March 31, 2018.

     
  3. Sino ang authorized representative na pwede kumuha ng bagong Kabayan Savings EMV Card?
    Kung ikaw ay abroad, maaari mong ipakuha ang iyong EMV card sa inyong AUTHORIZED REPRESENTATIVE. Ang AUTHORIZED REPRESENTATIVES na pwedeng kumuha ay iyong anak, asawa, kapatid, magulang at co-signatory (if joint account).
 
             Para sa Letter of Authority (LOA), i-click ang link na ito (Link for LOA).