BDONB, nagbigay tulong sa Sitio Kule Elementary School
2022 October – Patuloy ang pagbibigay tulong ng BDO Network Bank (BDONB), ang community bank ng BDO Unibank, sa mga estudyante sa malalayong lugar sa ilalim ng programang “Brigada Eskwela”.
Kamakailan, mismong ang mga BDONB employee-volunteers ang bumyahe ng apat na oras mula sa Koronadal para bisitahin ang Sitio Kule Elementary School sa Bgy. Salacafe, T’boli, South Cotabato at ibigay ang mga libro at food packs sa mga mag-aaral.
“Seeing the children’s genuine happiness made us realize what we did is something special. Nawala ang pagod namin talaga,” ani BDONB officer Milott B. Requillo.
Dagdag pa niya, “Dahil sa lokasyon ng Sitio Kule, bihira itong masama sa mga outreach programs. Nang malaman ko na ang mga estudyante ng eskwelahang ito ang napiling beneficiary, agad akong nag-sign up para sa programang ito.”
Isang malaking tulong ang distribusyon ng school books para sa mga estudyante ng Sitio Kule Elementary School dahil balik-eskewala na sila ngayong bagong school year.
“Thank you BDO Network Bank at BDO Foundation. We are very grateful that your outreach program included our school. Malaking tulong po ito sa aming mga estudyante.” sabi ni Marian Rose Sindingan, isang guro sa Sitio Kule Elementary School.
Ang “Brigada Eskwela,” ay isang programa ng Department of Education kung saan ang mga volunteers mula sa private sector ay tumutulong upang maihanda ang mga public schools tuwing simula ng bawat school year.
“BDONB is very much committed in supporting Brigada Eskwela because education should be available for all. It is the right of every child to learn and be guided properly towards a better future,” paliwanag pa ni Requillo.
BDONB Brigada Eskwela program. Mga bagong libro at food packs ang sumalubong sa mga estudyante ng Sitio Kule Elementary School sa T’boli, South Cotabato mula sa mga BDONB employee-volunteers bilang paghahanda sa balik-eskwela ngayong taon.
Related Stories:
- BDO Network Bank runs education programs amid pandemic
- BDO’s sustainability efforts include support to MSMEs
- BDONB’s Kabuhayan Loan empowers MSMEs, OFs, and their families