Mabilis at malapit mag-withdraw sa Cash Agad ng BDO

2021 September – May dumating na sweldo, remittance, o ayuda sa iyong ATM Card? Mas madali, mabilis at malapit na lang mag-withdraw sa Cash Agad, lalo na sa mga probinsiya o munisipalidad na walang bangko o malapit na Automated Teller Machines (ATMs).

 

Ang Cash Agad ay tugon ng BDO para sa pagsulong ng financial inclusion sa bansa. Ito ay isang banking solution kung saan ay maaaring mag-withdraw ng cash o mag-balance inquiry via point-of-sale (POS) machines ang kahit sinumang may locally-issued debit o prepaid card. Ang mga POS machines na ito ay matatagpuan sa mga Cash Agad partner agents na micro, small, and medium enterprises (MSMEs) tulad ng sari-sari stores, bakeries, groceries, hardware stores at iba pang establishments na matatagpuan sa komunidad.

 

Sa pamamagitan ng Cash Agad, hindi na kailangang bumiyahe pa nang malayo o gumastos nang malaki para sa pamasahe ang mga cardholder para lang makapag-withdraw ng kailangan nilang pera.

 

Sa ngayon, mayroon nang over 9,500 partner agents and Cash Agad sa mahigit 1,400 municipalities nationwide. Bukod sa pagbibigay ng serbisyo sa mga cardholders sa komunidad, natutulungan din ng Cash Agad ang mga MSMEs na magkaroon ng extra income.

 

Para sa mga business owners na gusto maging Cash Agad partner agent, kailangan lamang ay may BDO or BDO Network Bank account at business permit.

 

Napakadali lang mag-transact sa Cash Agad:

  • Pumunta lang sa malapit na Cash Agad partner agent. Hanapin lang ang Cash Agad logo.
  • Sabihin sa cashier ang amount na gusto mong i-withdraw at ipasok ang locally-issued ATM debit or prepaid card sa POS terminal na iaabot ng cashier.
  • I-input ang iyong PIN sa POS terminal.
  • Kunin ang iyong card, cash, at transaction receipt.

 

May babayaran lamang na convenience fee na P15 to P50 bawat transaction.

 

 

Related Stories: